Wednesday, October 26, 2011

Seven Smiles for Synergy (batches)

SEVEN SMILES FOR SYNERGY...

Batch No. 1 (Oct. 2011)12345678 JERICA DE LA CRUZ

SEVEN SMILES FOR SYNERGY

(Please scroll to view other smiles for synergy in this batch; read the “Smile for Synergy!” poem, and tell us which synergy you do smile most happily about.)

I SMILE FOR FRIENDSHIP, “the synergy of lives that deeply touch one another.”
-- Jerica de la Cruz
, Manila, Philippines



JOHN 'LAKAN' OLIVARES12345678MILA 'SAM' REYES-GARCIA

I SMILE FOR “'bayanihan' and the cooperatives, the synergy of community
resources and efforts for the common good …”
--John Paul ‘Lakan’ Olivares
, Quezon City, Philippines


I SMILE FOR “the great and glorious COSMIC CONSCIOUSNESS,
the LOVING CREATOR and SYNERGY OF ALL SYNERGIES…”
--Mila ‘Sam’ Reyes-Garcia
, Quezon City, Philippines


VICKY SEGOVIA1234567890123456MEDGE OLIVARES

I SMILE FOR INTEGRITY, “the synergy of one’s thoughts, words, and deeds…”
-- Vicky Segovia, Cainta, Rizal, Philippines

I SMILE FOR “the great and glorious COSMIC CONSCIOUSNESS,
the LOVING CREATOR and SYNERGY OF ALL SYNERGIES…”
--Medge Olivares, Quezon City, Philippines
(SHE ADDS: “The synergy of all synergies: (I’ve) seen it, felt it, loved it!”)



SYLVIA D. NARAG12345678901234SUSAN R. CARO

I SMILE FOR INTEGRITY, “the synergy of one’s thoughts, words, and deeds…”
-- Sylvia Doctolero Narag, Singapore, Singapore

I SMILE FOR FRIENDSHIP, “the synergy of lives that deeply touch one another.”
-- Susan Rubiso Caro, Knobar, Saudi Arabia
(SHE ADDS: “Friendship...we can gather a lot of friends through a smile, and true friends are very difficult to acquire, so be true to your friends...”)

Wednesday, March 9, 2011

Bangka sa Banga

PAPANO ka pang maririnig ni Kuya ngayon? Palibhasa, kung kailan pa namatay si Kuya, ngayon mo pa siya gustong kausapin? Hindi ka na niya maririnig! Wala na si Kuya Arnel!! Patay na siya, Ate!! Iniwan na niya tayo! Wala na siya!!!” Hagulhol ang agad na sumunod na pangungusap na iyon ni Agnes sa nakatatandang hipag na nasa tabi ng bagung-bagong nitso ng panganay niyang kapatid.

Hindi sinagot ni Elvie ang may-panunumbat na pananalita ni Agnes, sapagkat may sarili siyang kausap sa halos pabulong niyang pananalita habang nakaluhod sa paanan ng nitso, na kani-kanina lamang ay ligíd ng napakaraming nakipaglibing.

“ ‘Nel, Mahal, naniniwala akong nar’yan ka pa rin sa paligid namin ng ating mga anak, at hindi basta na lamang natapos ang lahat nang malunod ka sa laot. Alam kong naririnig mo pa rin ako. Alam kong mapapatawad mo pa rin ang pagtatampo ko nitong huling mga araw. Naniniwala ako na hanggang diyan sa kabila ng buhay ay dala mo pa rin ang matinding pagmamahal sa akin at sa ating mga anak. Baon mo rin diyan ang aming walang-hanggang pasasalamat at pagma-mahal!”

Ang dalawang napakaliliit pang mga batang tinukoy ay tahimik lamang na na-kaluhod sa magkabilang tabi ng kanilang ina. Maya-maya, nagtanong ang panga-nay na si Boyet, “Nay, masaya ba sa ka-bilang-buhay? Masaya ba si Tatay doon?”

“Oo, Anak. Kaluluwa siya at naririnig niya ang pagmamahal natin!

“Eh ba’t iyak ng iyak ang mga tao? Wala na raw siya! Kawawa naman daw si Tatay?”

“Nalulungkot sila dahil mami-miss nila siya. Isip kasi nila, wala na talaga siya. Hindi nila alam, lumipat lang siya sa kabila ng buhay, at pwede pa rin natin siyang kausapin kahit di na natin siya nakikita. Tayo naman ay lagi pa ring makikita at maririnig ng pagmamahal niya.”

“Kaya sabi Nanay lagi tayo bait!” sa-bat naman ng bunsong si Aya, na kung umasta’y parang di-hamak na mas marunong sa kanyang kuya.

Napabuntonghininga si Agnes sa narinig na usapan, at nagpasya na lamang na tumayo at lumayo. “Sa jeep na ako maghihintay, ‘Te! Sasabihin ko na rin kay Mang Berto na malapit na tayong umuwi at nang makapagpasada na siya.”

Tangong may ngiti ang isinagot niya sa hipag.

* * *

“Mabuti’t nakausap kita ngayon, Agnes!” wika ng tinukoy na si Berto. “Salamat ha! Di ko lang talaga mahindian si Kuya Rommel, eh! Pero kailangan ko nang dalhin at bantayan sa talyer ‘tong jeep ko. ‘Di pa rin talagang naaayos, eh!”

“Sa totoo lang, Mang Berto, mas gusto ko na sanang matulog buong araw nga-yon. Alam mo naman, puro puyat kami nitong magkakasunod na gabi dahil sa la-mayán. Pero… hay naku! Hindi rin kita mahihindian, dahil sa — alam mo na! — marami ka nang naitutulong sa amin!” Nagtawanan sila, at nagpatuloy si Agnes, “Basta ang sabi mo, di ako mauubusan ng English d’yan sa madreng ‘yan, ha? Tatlong oras din ang byahe papuntang Quezon. Amer’kana pa naman ‘yan!”

“Oo, sige, puntahan na natin siya sa amin. Sasabihin kong kailangan mong bumawi ng tulog kaya susubukan mong makaidlip nang kaunti kahit sa bus. Para ‘pag nahihirapan ka na sa pag-English, umidlip ka lang!” Nagtawanan silang muli.

* * *

Hindi naman naging problema ni Ag-nes ang mahahabang pagsasalita sa wi-kang banyaga. Dahil sa buong panahong katabi niya sa bus papunta sa bayang Quezon sa lalawigang iyon ng Palawan, ang bisita ang mas madalas na nagsasalita at mahahaba ang mga pangungusap niya.

Isa pa, nakagaangan niya agad ng loob ang madreng Amerikana. Sa katunayan, nang una pa lamang niyang makita si Sister Kathleen sa bahay nina Berto at kamayan siya nito upang magpahayag ng pakikiramay sa pagkamatay ng kapatid ay nakadama na siya ng sinseridad at nakapagpapakalmang disposisyon.

May nakakahiya pang naganap sa unang pagtatagpong iyon. Itinatanong kasi ni Agnes kay Berto sa wikang magka-halong Filipino at Palawan-on kung bakit nag-aaksaya ng panahon at pera itong madre na pag-aralan ang mga kulturang “pagano” ng ating mga ninuno. Naibiro pa nga niya sa wikang Pilipino na baka may toyo ito kaya’t interesado sa isang kweba raw na malapit sa bayan ng Que-zon. Kampante kasi siyang di ito mai-intindihan ng kaharap nilang madre dahil Amerikana nga.

Laking gulat niya nang sumagot ang banyaga ng “Inaaralan ko tow para sa schoolwork kow!” Marunong na pala ito ng konting Filipino dahil may ilang taon na rin pala sa Pilipinas. Buti na lang, di siya pikon! Pero sa pangyayaring iyon ay medyo na-relax si Agnes.“Pwede ko rin naman palang tagalugin ito’t nakakaintindi na rin ng konte sa wika namin.”

Kaya’t sa buong haba ng byahe ay masaya silang nakapag-usap. Naikwento ni Agnes ang samâ ng loob niya sa kanyang hipag na nabalo ng kuya niya. “Bakit di niya matanggap na wala na talaga ang asawa niya? Pati tuloy ang batang-batang mga anak niya, tinuturuan niyang mag-ilusyon? Na nasa piling pa rin daw nila ang kanilang ama, di nga lamang nakikita.” wika niya sa Ingles, gamit ang nabitbit niyang mga kataga sa wikang iyon. “Bakit siguradong-sigurado siyang nariyan pa at kinakausap pa niya?”

Sumagot ng isa ring katanungan si Sister Kathleen: “Are you really sure that she is wrong? Sigurado ka bang mali nga siya?”

Nagulat si Agnes sa isinagot ng madre. “Sister, di ba, priests and nuns like you are the ones saying that when someone dies, he is no longer with us and instead he is just waiting in purgatory for the Final Judgment? Eh di matagal pa ‘yon!”

Itinuro ni Sister Kathleen kay Agnes ang larawan ng Birheng Maria sa windshield ng bus, “Do you see Mama Mary? That’s a painting of her. Where is she? Isn’t she there just there somewhere waiting for the Final Judgment? Bakit kinakausap natin siya? The Saints, aren’t we asking them to pray for us? Why can’t your sister-in-law talk to your brother? Sigurado ka mali siya???”

Ipinaliwanag naman ng madre ang mga napag-alaman na niya ukol sa Manunggul Jar. Ipinagtaka ni Agnes na maraming researchers mula iba’t ibang dako ng mundo ang dumadayo sa mga pook na tulad ng pinatutunguhan nila ngayon para lang maintindihang mabuti ang mga bagay kaugnay ng kilalang Manunggul Jar. “Eh, bakit??? Why, why?”

Ipinaliwanag ni Sister Kathleen ang mga pigurin sa takip ng “bangang kaba-ong” na natagpuan sa Kwebang Ma-nunggul na di na kalayuan sa bayan ng Quezon, Palawan. At may dinukot siya sa pitaka.“Look at this drawing at the back of your one thousand peso bill.”

Tiningnan naman ni Agnes. Bihira siyang makahawak ng ganitong halaga at di rin naman niya pinapansin ang larawan sa likod nito. Pero may bagong kaalaman mula kay Sister Kathleen. Ipinaliwanag ni-to sa kanya ang pigurín ng bangkâ sa ibabaw ng takip ng bangâ, na may dala-wang nakasakay. “Ganito pala yun! May bangkero na may sagwan, at itong pasahero, inihahatid patawid ng ilog patungo sa kabilang pampang…?” Tu-mango si Sister Kathleen. Nagpatuloy si Agnes, “tumatawid sa sinasabi mong Ri-ver of Death tungo sa kabilang-buhay?”

“Yes, your ancestors believed in life after death!”

May bagong sigla na sa tinig ni Agnes nang makita niya ang koneksyon. “Baka nga may punto pala si Ate Elvie…” na-masâ ang kanyang mga mata… “ibig sabihin, baka nar’yan pa rin nga si Kuya? Maybe my brother is still just somewhere around??? Yeheyyy! Kaya pala di masyadong umiiyak si Ate Elvie! Akala ko tuloy di na niya mahal si Kuya!”

“Tama! Yong sister-in-law mo, very spiritual na tao siya!”

“At ang mga ninuno namin! Our ancestors were spiritual too, at ikamo, Sister, ginawa nila ang banga ng Manunggul bago pa ang panahon ni Kristo?”

Ipinaliwanag ng madre na mga paring Kastila lamang ang nag-akalang mga pagano ang mga dinatnan nilang mga katutubo sa kapuluang tinawag nilang Pilipinas. Akala raw kasi ng mga iyon, mga Kristyano lang ang may relihiyon. Hindi nila alam na matindi ang relihiyon na isinasabuhay ng mga ninuno ng kasalukuyang mga Pilipino, kasama na ang pagiging matapat sa lahat ng nakakaugnayan, at pagiging mapagkaisa nila sa pang-araw-araw nilang pamumu-hay.

* * *

MALUNGKOT si Sister Kathleen nang nang nasa bus muli sila pabalik sa syudad kinabukasan. Nanghihinayang siya’t ang napakagandang kasaysayan ng Manunggul Jar na siyang katibayan ng spiritwa-lidad ng mga ninuno ng mga tagaroon at ng kabuuang sambayanang Pilipino ay di alam ng karamihan sa nakausap niyang mga taong naninirahan nang malapit sa pinagkatuklasan ng nasabing bangâ.

Pati ang mga nasabihan niya ay tila wala talagang interes sa paksang iyon. Pero may mga nakausap din siyang may ilang bagay nang nalalaman at di rin naman nasayang ang ginasta niyang pagod, panahon at salapi sa pagdayo niya roon.

May lungkot ding naramdaman si Agnes sa ganoon ding kadahilanan. Pero nangingibabaw sa kanya ang isang kaligayahang nasa puso niya’y tila may galak na nag-uumapaw. Hindi talagang nawala si Kuya! At may maipag-mamalaki tayong kayamanan mula sa pagiging spiritwal ng ating mga ninuno.

May balak na namuo sa kanyang isi-pan. “Pagdating na pagdating ko sa Puerto Princesa ay pupuntahan ko si Ate Elvie at yayakapin ko nang mahigpit na mahigpit, pati sina Boyet at Aya. At alam kong makikita at ikagagalak iyon ni Kuya Arnel. “Di ba, Kuya?”

BANGKÂ SA BANGÂ: Hatíd sa Kabilang-Buhay

Bangáng lagakan ng labí ng pumanaw. Ganito ang Bangáng Manunggul na natagpuan sa isang kweba sa Palawan, humigit-kumulang 3,500 taon mula nang ito ay nilikha at ginamit. Ang kaibhan nito sa iba pang “burial jar” na natatagpuan na rin ay ang pigurín sa takip – isang bangkang may sakay na bangkerong may sagwan at isang pasahero (tingnan ang larawan). Ayon sa pananaliksik, sumasagisag ito sa pagtawid (ng isang pumapanaw) sa Ilog ng Kamatayan tungo sa pampang ng Kabilang-Buhay (‘Afterlife’). Tanda ito ng malalim na spiritwalidad ng ating mga ninuno mahigit sanlibong taon bago pa isinilang si Kristo. Hindi mga pagano ang ating mga ninuno. Sila ay spiritwál!

Wednesday, January 12, 2011

Pilipino 3 - Retorika

Retorika -- Maayos na Pangungumbinse nang
mahusay na ginamit ang lohika, at paggalang sa kapwa

Module 2: Mga Pagsasanay:
1. Basahin ang mga kwentong nakahanay ibaba:

a. Malakas at Magandang Kalooban http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-1.htm b. Bayanihan ng mga Nagmamahalan http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-3.htm
k. Bayad-Sukliang Matapat http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-5.htm
e. Bahay na Buháy http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-2.htm

2. Sa mga kwentong binasa, pumili ng isa na ang pangungumbinse ay ikaw ang magbabalak at magpapahayag.
Halimbawa,
sa "Bahay na Buhay" ay ikaw si Eric na kumumbinse kay Gwen na magpahalaga sa Kalikasan.
sa "Bayanihan ng mga Nagmamahalan," ikaw si Sarah na nagpapaliwanag kay Gerry tungkol sa Bayanihan
sa "Bayad-sukliang Matapat," ikaw ang Uncle Freddie na kumukumbinse kay Ernie na marangal makipagkalakal ang ating mga ninuno; "nagkaganyan" lang (nasanay sa panloloko at panlalamang sa kapwa)!
sa "Bahay na Buhay" ay ikaw si Eric na kumumbinse kay Gwen na magpahalaga sa Kalikasan.

Pilipino 2 - Module 3 Panitikan -- Maikling Kwento

Pilipino 2 - Module 3

Pilipino-2 Panitikan

Module 3 Salaysay: Maikling Kwento

Limang Batayang mga Aral sa Salaysay: Maikling Kwento

  1. Anyo ng Maikling Kwento
    1. Nakasulat sa Prosa (binubuo ng mga pangungusap (sentences) at mga talata (paragraphs). Kadalasang maiikli ang mga talata.
    2. Sa pagsusulat ng mga talata, nagsisimula ng bagong talata sa tuwing may bagong nagsasalita o may bagong umaaksyon, o may bagong inilalarawan/pinapaksa.
  1. Esensya ng Maiking Kwento: Salaysay ukol sa isang pangyayaring dumadaloy sa maikling panahon (ilang oras hanggang ilang araw) mula sa una hanggang sa huling eksena, at nagsasalaysay kung paanong naganap ang isang mahalagang pangyayari sa kamalayan, pagkatao o katangian/kalagayan ng isang pangunahing tauhan.
Ang pagiging maikli ng Maikling Kwento ay hindi nasa bilang ng pahina, kundi sa haba ng panahong dumaloy ang mga pangyayari sa kwento. Ang mga paglalarawan o pagkukwento ay hindi kasama sa panahong dumadaloy, maliban lamang kung ito'y inilalarawan o ikinukuwento ng isang tauhan at ginugugulan niya ng panahon ang ganitong pagsasalita o pag-iisip.

Ang ginagawang paglalarawan ng may-akda mga ugali ng nilikha niyang mga tauhan ay mainam na gawin sa pamamagitan ng mga ginagawa ng tauhan, at hindi lamang sa paraan ng pasalitang mga paglalarawan.

3. Paghahandang magsulat ng isang Maikling Kwento

Simula—pagpasyahan ang pinakasentral na mga katangian ng pangunahing tauhan, na nagtatakda sa kanya bilang isang katangi-tanging tao at piliin kung alin sa kanyang mga ugali, kakayahan at kaisipan ang dahilan upang siya'y matangaan, at kung alin ang magkakaroon ng makabuluhang pagbabago bago magtapos ang kwento. Pagpasyahan din kung anu-anong mga dagdag na tauhan ang kailangang likhain para maganap ang ganitong pagbabago, Pagpasyahan din kung anong klase ng pangyayari ang magiging epektibo para mangyari ang naturang pagbabago, likhain ang mga dagdag na tauhan para maganap ito.

Kasunod—pagpasyahan na ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena sa isusulat na kwento. Sa unang sampung talata ay ipasok na ang sumusunod: paglalarawan sa natatanging katangian ng pangunahing tauhan at sa kanyang kalagayan sa buhay; ang minimithi niyang mangyari at dahilan nito; ang hadlang na mangyari ito; at ang mga kakayahan niya para magawa niyang mapangyari ito.

Pasya sa pagtatapos ng Maikling Kwento Pagpasyahan kung sa itatakbo ng Maikling Kwento ay magtatagumpay siyang mapangyari ito kahit mahirapan muna, o mabibigo siyang mapangyari ito at may bagong mga kalagayang malilikha para magkakamit siya ng tagumpay na mas maganda kaysa unang nilayon niya.

Tiyakin ang maayos na ugnayan sa mga kapasyahan sa a-c

Gumawa ng listahan ng mga eksena ayon sa pagkakasunod-sunod na mga nangyari..

4. Simulang magsulat ng Maikling Kwento

Piliin kung aling eksena sa ginawang talaan ang unang mga isusulat bilang mga pangungusap at talata. Simulan sa pinakagustong isulat, at isunod ang pangalawang pinakagusto, at ang pangatlong pinakagusto. Sa ganitong paraan, makukuha mo na ang panimulang buwelo. Dugtungan na ang mga naisulat na ito. At sakyan na ang bwelo, na nananatiling gabay ang listahan ng mga eksena, hanggang makumpleto na maisulat ang nailistang mga eksena

5. Pagkikinis sa draft ng Maikling Kwento

Unang repasuhin ang pagiging kumpleto at ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga eksena nito.

Repasuhin ang pagkakasulat ng mga indibidwal na eksena at iwasto ang mga depekto, tiyakin ang linaw, paikliin ang pagkakasulat, gawing aktibo at kaawa-ayang basahin.

6. Pagbabasa sa ibang mga halimbawa. Itabi muna ang sariling isinusulat na Maikling Kwento. Basahin ang tatlo man lamang sa sumusunod na mga halimbawa:

  1. Basta! http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-0.htm
  2. Malakas at Magandang Kalooban http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-1.htm
  1. Bahay na Buháy http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-2.htm
  1. Bayanihan ng mga Nagmamahalan http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-3.htm
  1. Bayad-Sukliang Matapat http://bookmakers-phils.8m.net/yaman-5.htm

7. Repasuhin nang buo at tuloy-tuloy ang buong Maikling Kwentong naisulat at ipinal ito. Maaari pang maghabol ng mga pagtutuwid, bago isumite ito.

Pilipino 2 - Module 2

Pilipino-2 Panitikan

Module 2 Panulaan

Limang Batayang mga Aral sa Panulaan

  1. Anyo ng Tula (na madaling makilala):
    1. Hanay ng halos magkakasinghabang linya (verses o taludtod) na ang haba ay kaaya-aya sa daloy ng natural na pagbigkas na may nauulit na kumpas at di nauubusan ng hininga.
    2. Kadalasang may pagtutugma (rhyme) sa huling mga pantig ng magkasunod o magka-salít na linya, ayon sa isang sistema ng pagtutugma (rhyme scheme, gaya ng a-a-b-b, a-b-a-b, o iba pa).
    3. pamantayan ng pagtutugma sa wikang Pilipino o sa wikang Tagalog: Ang pinagtutugma ay ang tunog-patinig ng huling pantig (vowel sound of final syllable) at ang huling mga katinig ay magkakahawig (ang p, k at t; ang m, n at ng; ang b, g at d).
  1. Esensya ng Tula: matalinghaga at/o maramdaming (matindi dapat ang damdamin na nilalayong maipasa sa puso ng babasa) pahayag o paglalarawan,
  1. Matulaing Pag-iisip: malikot na imahinasyon na kinatatampukan ng pagkilala sa mga pagkakatulad ng mga bagay na magkakahiwalay at nagiging batayan ng mga pagsisimbulo
  1. Pagsusulat ng Tula:
    1. Simula—pagpasyahan ang pinakasentral na simbulo o damdamin; gumawa ng ilang linya (taludtod/verse) na nagpapahayag nito; dagdagan ng mga linyang makakasuporta sa sentral na ideya o damdamin; kinisin upang iporma bilang paghahanay ng ilang linyang halos magkakasukat; kinisin sa pamamagitan ng pagpapaikli/pagpapahaba at pagsasaayos ng pagkakasunud-sunod ng mga taludtod
    1. Pagkikinis—pumili ng mas mga salitang mas angkop sa kahulugan at mas magandang pakinggan. Maaaring magpasok ng mga tugma (optional)
  1. Pagkikinis ng Tula: Ituloy ang pagkikinis na nasimulan, upang pagandahin pa ang tula at mapalakas ang “impact” nito.
  1. Pagbabasa ng halimbawa:

PINAKAMAIKLI KONG TULA:

TULDOK (iisang saknong, aapat na taludtod, aapat na kataga)

Tuldok

isip,

salita,

gawa…

tugma?

PINAKAMAHABA KONG TULA:

DALOY: Tulambuhay ng mga Taga-ilog (1,400 linya sa 350 saknong)

aklat ni Ed Aurelio Reyes, nai-upload na sa internet

Saknong, Blg. 1-178 http://bookmakers-phils.8m.net/DALOY-1.htm

Saknong, Blg. 179-350 http://bookmakers-phils.8m.net/DALOY-2.htm


Wednesday, November 24, 2010

Pilipino-2 Panitikan-Midterms

International Academy of Management and Economics Pilipino-2 Mid-term Examinations

Exam policy: open notes; but no consulting with classmates even about instructions.

Prof. Ed Aurelio C. Reyes

Name of Student :

I. OBJECTIVE 40% (in capital letters write the word TAMA or the word MALI before each sentence)

A. Pangkalahatan

_____1. Ang katagang “panitikan” ay nagmumula sa pantig o syllable

_____2. Sa subject nating Pilipino-2, ang ibig sabihin ng “panitikan” ay malinaw na mga pagpapaliwanag.

_____3. Ang pinakaimportante sa pagsusulat ng ganitong panitikan ay tiyaga at likot ng isip.

_____4. Dadalawa lang ang hakbang sa pagsusulat: (1) magsimulang magsulat; (2) tapusin/kumpletuhin.

_____5. Ang nararapat na isulat sa panitikan ay ang katotohanan, ang buong katotohanan, at pawang katotohanan lamang.

B. Panulaan

_____1. Mahalaga sa pagsusulat ng tula ang imahinasyon ng isip.

_____2. Makikilala mo agad ang isang tula sapagkat binubuo ito ng mga pangungusap at paragraphs.

_____3. Kung walang sukat at tugma, hindi tula.

_____4. Mahalagang mga sangkap ng tula kaysa sukat at tugma ay ang simbolo at damdamin nito.

_____5 Kailangang mahaba ang isang tunay na tula.

C. Prosa

_____1. Tinatawag na Maikling Kwento ang isang salaysay kapag kasya ito sa kakaunting pahina lamang.

_____2. Makikilala mo agad ang prosa sapagkat binubuo ito ng mga verses/taludtod at stanzas/saknong.

_____3. Kaysa ikwento mo lang, ipakita mo at iparinig mo; lagyan mo ng aksyon at dayalogo.

_____4. Sa pagsusulat ng prosa, una mong pagpasyahan nang pinál ang magandang pamagat o titulo.

_____5 Ang mga ninuno natin ay panay mga mangmang nang datnan ng mga Kastila;

walang marunong sumulat at bumasa.

D. Samut-Sari

_____1. Tiyak na malupit ang komentaryong ibibigay ng kapwa mong manunulat ukol sa isinulat mo.

_____2. Kung magiging mahusay kang manunulat, kailangang ipinanganak ka nang magaling na agad sa ganito.

_____3. Hindi kasali ang pag-eenjoy magsulat sa pag-aaral at pagsasanay na gumawa ng istoryang prosa.

_____4. Pinagsasabay ng isang magaling magsulat ang pagbubuo ng istorya at ang

polishing ng mga pangungusap

_____5. Ang bilis sa pagtapos ng isang akda, nang wala nang outlines at wala nang pag-uulit ay palatandaan ng isang magaling na manunulat.

II. ESSAY

60% Choose two of these questions. State your answer and explain it fully. Write each answer in five paragraphs. 30% for each question. (10 pts. for effort; 10 pts. for correctness of content; 10 pts. for depth)

1. Bakit kayang matuto at magpakahusay na magsulat ng panitikan ang sinumang may hilig sa ganito.

2. Bakit pati ang mga mag-aaral na magiging mga businessmen, managers at ekonomista ay tinuturuan ng tungkol sa panitikan?

3. Ano ang kahulugan ng “paglalaro ng mga salita” at bakit nagkakahilig sa ganito ang mga manunulat?

Student’s Signature (full name):

__________________________

Date: _____________________