Wednesday, November 24, 2010

Pilipino-2 Panitikan-Midterms

International Academy of Management and Economics Pilipino-2 Mid-term Examinations

Exam policy: open notes; but no consulting with classmates even about instructions.

Prof. Ed Aurelio C. Reyes

Name of Student :

I. OBJECTIVE 40% (in capital letters write the word TAMA or the word MALI before each sentence)

A. Pangkalahatan

_____1. Ang katagang “panitikan” ay nagmumula sa pantig o syllable

_____2. Sa subject nating Pilipino-2, ang ibig sabihin ng “panitikan” ay malinaw na mga pagpapaliwanag.

_____3. Ang pinakaimportante sa pagsusulat ng ganitong panitikan ay tiyaga at likot ng isip.

_____4. Dadalawa lang ang hakbang sa pagsusulat: (1) magsimulang magsulat; (2) tapusin/kumpletuhin.

_____5. Ang nararapat na isulat sa panitikan ay ang katotohanan, ang buong katotohanan, at pawang katotohanan lamang.

B. Panulaan

_____1. Mahalaga sa pagsusulat ng tula ang imahinasyon ng isip.

_____2. Makikilala mo agad ang isang tula sapagkat binubuo ito ng mga pangungusap at paragraphs.

_____3. Kung walang sukat at tugma, hindi tula.

_____4. Mahalagang mga sangkap ng tula kaysa sukat at tugma ay ang simbolo at damdamin nito.

_____5 Kailangang mahaba ang isang tunay na tula.

C. Prosa

_____1. Tinatawag na Maikling Kwento ang isang salaysay kapag kasya ito sa kakaunting pahina lamang.

_____2. Makikilala mo agad ang prosa sapagkat binubuo ito ng mga verses/taludtod at stanzas/saknong.

_____3. Kaysa ikwento mo lang, ipakita mo at iparinig mo; lagyan mo ng aksyon at dayalogo.

_____4. Sa pagsusulat ng prosa, una mong pagpasyahan nang pinál ang magandang pamagat o titulo.

_____5 Ang mga ninuno natin ay panay mga mangmang nang datnan ng mga Kastila;

walang marunong sumulat at bumasa.

D. Samut-Sari

_____1. Tiyak na malupit ang komentaryong ibibigay ng kapwa mong manunulat ukol sa isinulat mo.

_____2. Kung magiging mahusay kang manunulat, kailangang ipinanganak ka nang magaling na agad sa ganito.

_____3. Hindi kasali ang pag-eenjoy magsulat sa pag-aaral at pagsasanay na gumawa ng istoryang prosa.

_____4. Pinagsasabay ng isang magaling magsulat ang pagbubuo ng istorya at ang

polishing ng mga pangungusap

_____5. Ang bilis sa pagtapos ng isang akda, nang wala nang outlines at wala nang pag-uulit ay palatandaan ng isang magaling na manunulat.

II. ESSAY

60% Choose two of these questions. State your answer and explain it fully. Write each answer in five paragraphs. 30% for each question. (10 pts. for effort; 10 pts. for correctness of content; 10 pts. for depth)

1. Bakit kayang matuto at magpakahusay na magsulat ng panitikan ang sinumang may hilig sa ganito.

2. Bakit pati ang mga mag-aaral na magiging mga businessmen, managers at ekonomista ay tinuturuan ng tungkol sa panitikan?

3. Ano ang kahulugan ng “paglalaro ng mga salita” at bakit nagkakahilig sa ganito ang mga manunulat?

Student’s Signature (full name):

__________________________

Date: _____________________

Tuesday, November 9, 2010

Pilipino-2 Panitikan Module-2

Kahulugan ng Panulaan

Imput Article
:

Umaawit na mga Simbulo o Damdamin

Ni Ed Aurelio C. Reyes

Pilipino-2 Panitikan Module 1

Kahulugan ng 'Panitikan'

Input article:

Ang Titik at ang Sining ng Panitikan

ni Ed Aurelio C. Reyes
.
..........Ang sibilisadong mga tao raw ay iyon lang mga marunong sumulat at bumasa, nakapaglalagay ng marka na makikita, at mababasa, ng iba, at kanya o kanilang mauunawa ang mensaheng siyang nilayong talaga. Mayroong mga naimamarka na sadyang may napagkaisahan at nakasanayang kahulugan na, tulad ng simbolo ng bungo at krus-na-buto, na kapag magkasama'y nangangahulugang "lason!" o "panganib sa buhay" at mayroon namang mga naimamarka na kumakatawan sa mga tunog at kapag "binasa" nang magkakasunod ay lilitaw sa pagkakasunud-sunod ng nga tunog-patinig (vowel sounds) at tunog-katinig (consonant sounds) ay "maririnig" sa sariling utak ng bumabasa ang isang buong pantig (syllable). Ang isang pantig o ang ilang magkakasunod na pantig ay bumubuo ng salita o kataga, na bawa't isa'y may taglay na kahulugan.
.
..........
Wala pang maisusulat o maiintindihang kahulugan sa iisang titik lamang, pero may mabubuo sa kanilang pagkakasunud-sunod, mga titik na patinig at katinig sa isang pantig, at mga pantig sa isang salita. At mga salita nga sa isang pangungusap at mga pangungusap sa isang talata at mga talata sa isang sanaysay (essay) o talumpati (speech).
Sabi nga sa isang awit (
Kailangan Kita), "Bakit ang awit... ay kailangan ang himig... na kailangan ang titik... na kailangan ang tinig...?"
.
..........
May mga kolonyalistang Kastila na humusgang di raw sibilisado ang Pilipino bago nila tayo natuklasan at nasakop (at tinuruang magbasa at sumulat). Akala kasi nila, mga titik na Romano ang paraan ng pagsusulat sa buong mundo.
Ipagpatawad na lang natin ang kanilang kamangmangan sa bagay na ito. Ang mga ninuno po natin ay libu-libong taon nang gumagamit ng sarili nating sistema ng panulat bago napalig
áw sa ating kapuluan sina Magellan at Pigafetta.
.
..........
Dumating din naman ang panahong napatunayan nating mali sila at ipinakilala natin ang sistema ng panulat natin ("panulatin") na noong una'y binansagang "alibata" pero mali palang katawagan dahil hindi mga titik o letra ang bumubuong mga simbulo ng tunog, kundi buu-buo nang mga pantig (syllable symbols), at may tumatawag na ngang "Pantigan" sa sistemang ito (may tumatawag ring "Baybayin" o spelling at nagpapahiwatig ring mga titik ang pangbaybay...........
.
..........
Ang simpleng kahulugan ng "Panitikan," samakatwid, ay nangangahulugan ng bugkos ng mga titik na mababasa at mapagkukunan ng impormasyon, gaya ng mga isinasama sa mga bote ng gamot at sa mga kasangkapan o makinang teknikal (para sa tamang paggamit). Ang importante lamang sa ganito ay ang linaw (clarity) at kawastuhan (accuracy) ng impormasyon.
May partikular namang kahulugan ang katagang "Panitikan" kung ang tinutukoy ay ang larangan ng gawain at pag-aaral. Ang kinuha ninyong subject na "Pilipino-2" ay "Panitikan" na tumutukoy sa sining ng pagpapahayag na nilalayong maunawaan nang malaliman dahil sa ginagamit ang epekto sa damdamin o nagpapaisip nang matindi sa makakabasa o makarinig.
.
..........
Sa pamamagitan ng mga kataga ay inaabot ng mga panulat na pampanitikan (literary writings) ang puso at damdamin ng mga pinag-uukulan ng mga katagang ito o ang kailaliman ng kanilang pag-iisip. Ang husay sa pagsusulat na ganito ay isang tunay na talentong makasining, bagay na kailangan upang ang sinumang naghahangad na sumulat ng Panitikan ay magawa ito nang mahusay at matagumpay.
.
..........
Ang pinakakaraniwang mga anyo ng mga panulat pampanitikan ay buhay na buhay na pagkukwento o kaya'y umaawit nang walang tono (tumutula). Sa pag-aaral ng Pilipino-3, ito ang gagawin ninyo.

Wednesday, October 20, 2010

RETORIKA-Module 1-b

Malakas at Magandang… Kalooban

BYERNES. Nagtagal nang bahagya si Alma sa paaralang pinagtuturuan. Kaya’t malaong lagpas na ng takipsilim nang madaanan niyang muli ang bantayog sa plasa. Madilim na at halos wala nang tao sa pook na iyon pagsapit at paglagpas ng orasyon. Napakaaga kasing natutulog kahit ang pinakasentro ng bayang Don Manuel.

Nginitian niya ang makinang na istatwang nakatayo sa pedestal, maningning na kumikislap ang bagong kapipintang mukha ni Rizal sa liwanag ng mga ilaw na pasan ng mga posteng animo’y nakatanod sa magkabilang tabi ng monumento.

Sa pagkatingin ni Alma sa mukha ng monumento ni Rizal, para bang nakangiti rin ito sa kanya. Kaya napuno siya ng galak, at di niya napigilang sumaludo rito.

Wala siyang kamalay-malay na sa tabi pala ng malaking puno ng akasya sa di gaanong kalayuan, isang grupo ng mga binatilyo ang tahimik na nagmamasid sa bawat kilos niya.

Halos ganap nang kumagat ang dilim sa mga sandaling iyon. Nagpatuloy siya sa paglakad, nang ang ulo’y nakalingon pa rin sa bantayog na nalagpasan na niya. Kaya’t si Alma, ang batambatang guro sa Manuel Miranda Memorial High School ay nagulantang nang mapaharap sa patunguhan ng kanyang paglakad at tumambad sa kanyang paningin ang pangkat na iyon. Mga binatilyong pawang nakatayo na’t handang-handa nang sumalubong sa kanya. At nagitla siya sa sumunod na pangyayari…

* * *

NOONG kasisimula pa lamang niya bilang guro sa bayang iyon, asiwang-asiwa talagang magdaan si Alma sa bahaging iyon ng poblasyon. Para bang dumadagundong ang tibok ng puso niya hanggang sa malayong makalagpas doon. Kung bakit naman kasi tila nagpabaya ang pamahalaan ng baranggay nang mapundi ang mga ilaw. Kaya’t pati ang rebulto ni Rizal ay lantarang iniihian ng mga lalaking istambay; dahil sa sobrang dilim ay di naman sila makikitang talaga. At may mga magkakabarkadang kay-aga naman yatang natutong uminom, at sa oras ng pagdaan niya pauwi mula sa paaralan ay medyo lasing na ang ilan sa kanila. Mga binatilyo pa lamang ngunit parang matagal nang naibabad sa malisya at kawalang-direksyon.

Nitong nagdaang Lunes, dalawa sa mga iyon ay maaga yatang nagsimulang uminom at tinablan na sa utak, kaya’t paglampas niya ay sinipulan nila siya, isang mahabang pagsipol na mula sa himig ng isang malaswang awitin. Palibhasa’y lasing na nga, o baka naman talagang bingi sa musika, ang dweto ng mga sipol mula sa awiting iyon ay lumiko nang malayo sa tono.

At ang buong grupo ay humalakhak. Binilisan na lamang ni Alma ang paglakad niya at hindi man lamang niya sila nilingon. Mahina na sa pandinig niya ang patuloy na pagtatawanan nang makalayo siya sa kanila.

Pagdating sa bahay na tinutuluyan, humihingal at maluha-luhang isinalaysay ni Alma sa kanyang Tiya Melay ang kagaganap na pangyayari. Pinagsakluban naman ito ng galit at takot. “Kung buhay pa sana ang Tiyo Freddie mo, maipapakulong niya ang mga walanghiyang iyon!” wika nito.

Napabuntong-hininga si Alma, at nagsabing “Sabagay, mga bata pa kasi sila. Baka naman magbabago pa’ng mga ‘yon. Sana nga, magbago pa sila…”

Napailing ang kausap niya. “Di na magbabago ang mga iyan! Kaya nga nasipa sa skwela n’yo, dahil magugulo, laging nasa basag-ulo, inuman, sugal, baka nga pati droga, eh! Hindi kasi naituwid noong talagang mga musmos pa. Pag lumalaki na ang puno nang baluktot, papano mo pang itutuwid?

“Tiyang naman!” sagot ni Alma sa pagitan ng paghigop sa mainit na sabaw na ihinain ng matanda, “pinaksa ko iyan sa klase ko kanina. Habang buhay pa, may pag-asa pa! May pag-asa pang magbago ang mga iyon, dahil iba naman po ang tao sa puno na matigas sa paglago. At ang bawat tao, kahit parang napa-kasama, kahit kriminal na nga, ay may kabutihan pa rin naman sa kaloob-looban, di lang nakikita. Sila mismo, di nila alam! Sana talaga, magbago pa sila”

“Hay naku, itong pamangkin kong saksakan ng bait! Siya na nga ang binastos, siya pa ang nagpupumilit umuunawa! Basta, mula bukas papasamahan kita sa pinsan mong si Anding. Mahirap na! O, nainin na pala itong sinaing. Magsasandok na ako’t nang makakain na kitang dalawa, hane?”

Para kay Aling Melay, tapos na ang usapang iyon. Sanay na rin siya sa pamangking ito na kahit noong mas bata pa ay talagang napakaganda ng kalooban. Hindi nagagalit nang matagal. Tinitiis na lang ang mga pinaghihirapan. Napakamatulungin na, napakamaawain pa! Napakabait talaga. Lumabas sa bibig ng matanda ang mga kataga ng pagsuporta kay Alma… “Sana nga! Sana nga!”

Pero nagulat siya sa itinugon dito ni Alma. “Pero hindi na po yata sapat para sa akin ang ‘sana,’ Tiyang, ako mismo, tutulong akong mapagbago sila. Mag-iisip ako ng paraan. Kailangang matulungan ko sila!”

Halos mabitiwan ng matanda ang hawak niyang mga baso sa narinig sa pamangkin. Kanina lamang ay maputlang maputla, hinihingal at halos umiiyak pa itong si Alma, tapos ngayo’y nagbabalak pang tumulong sa mga iyon? Magmalasakit sa mga nambastos na nga sa kanya?

“Maanong huwag ka nang makisangkot pa diyan!” Parang walang narinig si Alma. Sa pakiwari ng kanyang magulang, nagsimula nang gumawa ng plano ang dalagang kahit tahimik ay para namang kinakausap ang sarili. Noon naalala ni Aling Melay ang kabilang bahagi ng pagkatao ng kanyang pamangkin. Malakas ang loob nito. Handang makipagsapalaran sa mga pagsisikap na maari niyang ikasadlak sa panganib, basta’t para sa kapakanan ng kapwa. Tama. Oo nga pala, si Alma ay may magandang kalooban at malakas pa ang loob niya. Kahit mahirap na mga gawain, minsang ipasya niya, ay hinding-hindi niya susukuan! Napailing at napabuntong-hininga na lang si Aling Melay.

Kinabukasan, nang magpaalam si Alma bago pumasok sa pagtuturo, sinabihan niya ang kanyang magulang, “Tuloy na po ako. Ipagdasal n’yo sanang magtagumpay ang binabalak kong gawin mamaya, bukas at samakalawa, sa buong linggong ito!”

“Ano pa nga ba ang magagawa ko, kundi iyon na nga, ang ipagdasal ka? Hindi naman kita mapipigilan kahit mahirap o kahit mapanganib pa nga ang binabalak mo, eh!”

Tawa lamang at masuyong halik ang isinagot ni Alma bago siya nanaog.

* * *

AT NOON ngang dumating na ang Biyernes, matapos niyang madaanan, ngitian at saluduhan ang bantayog ni Rizal, biglang tumambad kay Alma ang pangkat ng mga binatilyong pawang nakatindig at nag-aabang sa kanya.

Nagulat siya nang sila ay biglang magpalakpakan!

“Ma’am! Kayong dalawa ni Rizal, mga bayani namin!”

Buong kagalakan naman siyang lumapit sa kanila at sumagot na “Di lang si Bonifacio, si Rizal, si Tandang Sora, o kahit isama pa ako, sa totoo lang, kayo ang mga bayani ng Don Manuel ngayon. Napakagaling pala talaga n’yo! Napakarami n’yong natapos sa tatlong araw lang! O, palakpakan natin… kayo!”

Sumunod ang masayang palakpakan.

Nagpatuloy si Alma. “O tingnan n’yo, ang saya-saya na natin, ang liwa-liwanag na rin tuloy dito, pati si Rizal, masaya na’t napintahan na, nailawan pa! Pati iyong damo rito, malinis na malinis na!”

“Eh, Ma’am, kasi nga…

Pinutol niya ito. “Ate Alma! Di ba, sabi ko ‘Ate Alma’ na lang ang itawag n’yo sa ‘kin?”

“Kasi nga po, Ate Alma, kung di n’yo kami kinausap nung Martes… tsaka si Kapitan Louie, si Mang Tonyo at si Mr. Miranda, di naman mangyayari lahat ‘to eh! Pati nga mga magulang namin tuwang-tuwa!”

“Eh akala pa nga namin kakagalitan n’yo kaming lahat dahil sa pagsipol namin sa n'yo noon…”

“At kaya naman tayo kinausap ni Ma— ni Ate Alma nung Martes ay dahil mukha pa tayong matino. Di pa tayo nakakainom noon! Hahaha!”

“At di na kayo iinom, di ba? Pangako n’yo yun! Wala na ring siga-sigarilyo! Para matuloy ang mga pinag-usapan natin tungkol sa pagbalik n’yo sa iskwela.”

“Yes, Ma’am!”

“Yes, ano?”

“Ay, oo nga pala! Opo, Ate Alma!

* * *

Tambuli-3, pp.40-43.)